Friday, March 25, 2011

Kundisyon ng hiphop sa PINAS!


Its been more than a decade since hiphop culture entered the Philippine islands. From the late 70’s hanggang ngayun, buhay pa din ang hiphop. Ika nga nila, “still bangin”. Kaso. Buhay pa nga ba ang hiphop sa bansa natin? Anu ba ang kasalukuyang kalagayan ng kulturang pinakamamahal natin? Ikaw? Anu bas sa palagay mo? Teka teka teka. Bago mo sagutin yan. Heto muna ang tatanungin ko. Anu nga ba ang hiphop? Pera? Bisyo? Babae? Porma? “Gang”? What is the point of being hiphop? Kung isa jan, o lahat ng yan ang sagot mo. Pwes kabilang ka sa mahigit walum-pung(80) pursyento ng hiphopers sa pinas. Isa ka sa mga dahilan kung bakit bumabagsak ang kultura natin. Hindi ko sinasabeng ako ang dahilan ng mayabong na pagunlad ng hiphop culture. But at least im proud to say na hindi ako kabilang sa mga nais magpabagsak dito o sa mga taong matuturing na dumi sa hiphop. Kung mapapansin nyu ang kapaligiran natin, usong uso ang hiphop, well... hiphop nga ba? O baka naman nakiki-uso lang? Nakiki-porma? Anu ba talaga? A lot of people would claim that they are one with hiphop. Is that so? O baka naman nagpapapansin ka lang? Yung iba sasali pa ng gang. Katwiran pa ng iba, kasama raw sa pagiging hiphop yun. Sheesh!! Mga bulahan!! Kelan pa naging requirement sa pagiging hiphop ang gang? Saka anu ba ang dahilan mu ng pagsali ng gang? Aminin mo man o hindi, alam kong porma lang ang dahilan. O di kaya, proteksyon.. Bakit mo kailangan ng proteksyon? Baka naman dahil ubod ka rin ng angas? Malamang oo. Pwede rin natin sabihing madalas pagtripan tong tao na toh kaya sya sumali, kaso.. GANUN KA BA KAHINA PARA MANGAILANGAN KA PA NG GANG UPANG MAGSILBING PROTEKSYON? Hindi mo ba kayang saluhin ang sarili mong bayag? You dare claim yourself as one with hiphop? Pilibustero ka kung ganun. Sa hiphop, hindi rin mawawala ang bisyo, lalung lalu na ang droga. Suyurin mo ang bawat eskinita sa NCR, napakalaki ng tyansa mung makakita ng mga “gangster” na humihits ng damo (marijuana) o mas malala, tumitira ng bato (shabu). 30 percent out of 100 percent drug users are juvenile. Ibig sabihin 1/3 ng mga adik ay kabataan. At sa pursyento na yan ng “young trippers” mahigit kalahati ay myembro ng mga gang, o hiphop (daw). Naku naman! Panu uunlad ang hiphop nyan kung ganyan ang nangyayari? Oo. Sige. Gang ang isa sa roots ng hiphop. It started in Newyork. Diba? Kaso, kailangan bang maging consistent tayu sa panget na reputasyon ng hiphop? Diba dapat maging productive tayu? Morally, spiritually and mentally. A MAN FROM MANILA once said, “hindi kailangan ng astig na porma, o negatibong pag-uugali para masabeng hiphop ka”. Sabe nga naman ni KRS-1 sa isa sa mga kanta niya, “HIP IS THE MIND, HOP IS THE MOVEMENT, THEREFORE HIPHOP IS THE INTELLIGENT MOVEMENT”. Wag tayu magpaka-mangmang. Gumawa tayu ng wastong daan. Tayo mismo ang maging mabuting halimbawa, hindi lang sa kabataan, kundi pati na rin sa mga kaibigan natin. Wag natin sirain ang pundasyon ng hiphop sa pinas. At sa buong mundo.

2 comments: