Saturday, April 2, 2011

For Fame and Money???




Sa hiphop synonymous ang record label. Of course, hiphop is the culture of music, music of life. A lot of people consider life as music and vise versa. Many record labels have spawned since the early 80’s. In the Philippines, Dyords Javier was the “first” emcee, that’s right ladies and gents, Dyords Javier(George Javier) brother of Danny Javier from the APO Hiking Society is the FIRST FILIPINO EMCEE here in our country. Back then rappers or emcees were known as “Rapista” (halata naman sigurong tagalized version ng word na “rapper” diba?) ohh.. and have I mentioned that the Philippines is the first Asian Hiphop country? (proud to be pinoy ako eh. Bakit ba?) then Francis Magalona, Son of Actor Pancho Magalona and Tita Duran suddenly emerged as a hiphop idol, sa ngayon, sya ang nirerecognize na “King of Filipino Rap Music”, yeah yeah, he certainly isn’t the first rapper in the P.I. but he turned hiphop into a mainstream culture, at sya lang din naman ang dahilan kung bakit may mga taong tulad ko sa panahon ngayon. Haha. (you know what i mean. Right?  :D  ) Enough with the senseless gibberish about me. Francis Magalona known for many names such as, “The Mouth”, “Master Rapper”, “Kikong Kalyo Kilabot ng Kalentong”, “Dr. M.” , “The Man From Manila” and etc. etc. is recognized as the founder of Filipino rap music. He reigned as king of the pinoy hiphop culture from late 80’s until now, despite his death. Matapos syang makilala ay may mga nagsulputan ring rappers o “Rapista” tulad nila Andrew E., Michael V. At syempre si Denmark. Andrew E founded Dongalo Wreckords around late 90’s, Michael V. became an actor and Denmark suddenly disappeared from the hiphop scene (but emerged once more around 2003 as one of the most influential rappers of all time). After Andrew E. founded Dongalo Wreckords, dumami na naman ang hiphop artists, most of them came from a poor, or a dysfunctional family. (well, yun ang sabe nila sa mga kanta nila)negatibong reputasyon ang tinanggap ng hiphop culture nung mga panahong iyon, bastos, barubal, bayolente at halang. Ironically, nung mga panahong iyon, yun din ang panahong nag occur ang “Golden Age of Filipino Rap Music”, around early 90’s. A lot of rap music auditions occurred nuon. At si Andrew E. ang madalas magpakana ng ganyan. Marame syang pinasikat na rap crews, at solo acts. Heto na ang point ng blog ko. Sa mga hiphop artists, anu ba talaga ang matimbang sa kanila, SALAPI? OR THE CULTURE ITSELF? Based on my observation (at palagay ko napansin nyo rin) from the early 90’s up to present napakalaki ng pinagbago ng hiphop music, i mean compared to the states na konti lang ang evolution ng music, sa atin malaki ang pagbabago. You know why? Dahil karamihan sa mga mainstream artists, pera lang naman talaga ang habol. Kaya nga ilang kanta ang naglalabasang wala naman kakwenta kwenta, walang moral, walang patutunguhan at walang sense. Naniniwala akong ang mainstream hiphop sa pinas lalu na nung early 90’s ay HINDI MATATAWAG NA HIPHOP! Kung hindi isang NOVELTY MUSIC lang. Well, that was before. Ang mahalaga yung ngayon, sana, baguhin na natin ang sistema. Instead of thinking about money, how to earn and exploit it, dapat mas isipin na natin yung values ng ginagawa nating musika. Thats why i admire Francis Magalona so much. He made TRUE MUSIC. Sa ngayon , marame na ring hiphop artists ang naniniwalang hindi pera ang dapat pairalin, kundi kakayahan, lakas ng loob, tapang at liksi ng pag-iisip. Before underground labels were so rare. Ngayon? Punta ka ng skwater’s area. May underground record label na dun. Punta ka ng computer shop, sa likod nun may kumakanta na. Its great to know that hiphop is developing rapidly since the year 2006. After 2006-2008 sobrang bilis ng growth ng hiphop. But this has its own hazards. Dahil sa nangyayari, lahat na ay nakakapag-rap, nakakapag-record, at nakakapag-release ng kanta. Lahat including those people that we consider a disgrace to hiphop culture. Dumami yung mga nag-eexploit ng kakayahan ng iba. Mga magnanakaw ng gawa, rima man o “beat”. Pati na rin ang mga taong mapang-abuso sa kapwa nila. May mga taong mangangako ng kung anu anu sa mga nakukuha nilang “talents” and then what? May nangyayari ba? Aminin niyo, WALA DIBA? Bagong album? Saan? Baka naman photo album yan? Bagong music video? Alin? Yung slide show ng label nyu na may background music? Yun na yun? Katulad ko, marameng tao ang hindi pera ang dahilan, hindi rin kasikatan. Pero marame ring tao ang ganid sa yaman, maging sa kasikatan. At kahit makatapak pa sila ng iba gagawin nila matupad lamang ang mga nais nila. Minsan nga, killing is involved. Ilang kaibigan ko na ang muntik mamatay dahil sa feudal rap. Magtitirahan kayo sa musika nyo? Tapus anu? Magbabarilan kayo? Imbes na magtulungan tayo, ganyan ba ang dapat gawin? Sana mag-isip isip naman tayo. I had a dream before (at sa palagay ko hindi na matutupad) na lahat ng Filipino rappers magcocolaborate sa isang super album consisting of 4 cd’s, each song 8 to 30 minutes in length (haba nuh?)mainstream man o underground magsasama sama. Blood, crip, mayaman, mahirap, babae o lalake, mag-sasama sama. If that would happen, that would be so inspiring. Hindi lang sa mga “hiphopers” kundi pati na rin sa lahat ng taong makakarinig at makaka-alam na merong ganung klaseng unity album. Sana, dumating ang panahon na lahat ng artists sa pinas, magtutulungan. Hindi para sa kasikatan. Hindi para sa pera. Kundi para sa isa’t isa...

Friday, March 25, 2011

Kundisyon ng hiphop sa PINAS!


Its been more than a decade since hiphop culture entered the Philippine islands. From the late 70’s hanggang ngayun, buhay pa din ang hiphop. Ika nga nila, “still bangin”. Kaso. Buhay pa nga ba ang hiphop sa bansa natin? Anu ba ang kasalukuyang kalagayan ng kulturang pinakamamahal natin? Ikaw? Anu bas sa palagay mo? Teka teka teka. Bago mo sagutin yan. Heto muna ang tatanungin ko. Anu nga ba ang hiphop? Pera? Bisyo? Babae? Porma? “Gang”? What is the point of being hiphop? Kung isa jan, o lahat ng yan ang sagot mo. Pwes kabilang ka sa mahigit walum-pung(80) pursyento ng hiphopers sa pinas. Isa ka sa mga dahilan kung bakit bumabagsak ang kultura natin. Hindi ko sinasabeng ako ang dahilan ng mayabong na pagunlad ng hiphop culture. But at least im proud to say na hindi ako kabilang sa mga nais magpabagsak dito o sa mga taong matuturing na dumi sa hiphop. Kung mapapansin nyu ang kapaligiran natin, usong uso ang hiphop, well... hiphop nga ba? O baka naman nakiki-uso lang? Nakiki-porma? Anu ba talaga? A lot of people would claim that they are one with hiphop. Is that so? O baka naman nagpapapansin ka lang? Yung iba sasali pa ng gang. Katwiran pa ng iba, kasama raw sa pagiging hiphop yun. Sheesh!! Mga bulahan!! Kelan pa naging requirement sa pagiging hiphop ang gang? Saka anu ba ang dahilan mu ng pagsali ng gang? Aminin mo man o hindi, alam kong porma lang ang dahilan. O di kaya, proteksyon.. Bakit mo kailangan ng proteksyon? Baka naman dahil ubod ka rin ng angas? Malamang oo. Pwede rin natin sabihing madalas pagtripan tong tao na toh kaya sya sumali, kaso.. GANUN KA BA KAHINA PARA MANGAILANGAN KA PA NG GANG UPANG MAGSILBING PROTEKSYON? Hindi mo ba kayang saluhin ang sarili mong bayag? You dare claim yourself as one with hiphop? Pilibustero ka kung ganun. Sa hiphop, hindi rin mawawala ang bisyo, lalung lalu na ang droga. Suyurin mo ang bawat eskinita sa NCR, napakalaki ng tyansa mung makakita ng mga “gangster” na humihits ng damo (marijuana) o mas malala, tumitira ng bato (shabu). 30 percent out of 100 percent drug users are juvenile. Ibig sabihin 1/3 ng mga adik ay kabataan. At sa pursyento na yan ng “young trippers” mahigit kalahati ay myembro ng mga gang, o hiphop (daw). Naku naman! Panu uunlad ang hiphop nyan kung ganyan ang nangyayari? Oo. Sige. Gang ang isa sa roots ng hiphop. It started in Newyork. Diba? Kaso, kailangan bang maging consistent tayu sa panget na reputasyon ng hiphop? Diba dapat maging productive tayu? Morally, spiritually and mentally. A MAN FROM MANILA once said, “hindi kailangan ng astig na porma, o negatibong pag-uugali para masabeng hiphop ka”. Sabe nga naman ni KRS-1 sa isa sa mga kanta niya, “HIP IS THE MIND, HOP IS THE MOVEMENT, THEREFORE HIPHOP IS THE INTELLIGENT MOVEMENT”. Wag tayu magpaka-mangmang. Gumawa tayu ng wastong daan. Tayo mismo ang maging mabuting halimbawa, hindi lang sa kabataan, kundi pati na rin sa mga kaibigan natin. Wag natin sirain ang pundasyon ng hiphop sa pinas. At sa buong mundo.